3.31.2007
c u soon... =)
Wala na ang magsasabi ng “andyen ne!”
“si doktura!”
“guys, ¼????”
“kines ba tau bukas?”
“oiiiiii, pa-photocopy!!!!
“cattleya pink!!!”
“teng teng teng teng!!!”
>At marami pang iba, parang isang mahabang move system lang at bigla ng nag-batengteng na nagpapahiwatig na tapos na. hayz......
3.11.2007
trip na trip
Hay hindi ako maka- move on sa artic ko magdadalawang linggo na ata. Nagpasa na rin naman ako kaya lang di ko gusto yun, dyahe sa pagiging “manunulat” ko. Haha!
Narealize ko physical pain pa lang ang katapat ng kahit anong pain na nararamdaman mo. Tipong emotional o traumatic pain pa yan,paggulong sa taniman ng pinya ang katapat niyan pero syempre pwede mong subukan ang less brutal gaya ng pagpapabunot ng ngipin na mamamaga ng isang linggo.
Kung madalas kang manuod ng tv tulad ko eh marahil marami ka ng nakita na pangyayari na halintulad sa sinasabi ko pero wag mong gagawin yun, special effects lang yun o mga pa-utot para ma-pasakay sa theory na ito, sira ulo ang gagawa sa sarili niya ng mga pisikal na sugat at bawal din i-quote ang pinagsasabi ko,magpabunot ka na lang ng ngipin na walang anesthesia.
Masasabi ko kahit labag sa kalooban ko ang pagbunot na iyon eh, iba ang naging feeling parang dati naka-tungkod pako nagyon eh nakatayo nako ibig sabhin nakabawi nako sa mga “reming”, tornado at earthquake ng buhay ko. Sa totoo lang trip ko lang talga to ang hirap kasi tapusin nung artic ko…..waaahhhhhhhhh…………….
3.09.2007
wala lang ako magawa
Dahil sa napakatgal ko nang di matapos na article/editorial ay marahil ay kailangan ko na ng mental exercise na pwede na ring sabhing writing exercise total medyo inspired ako ngaun at marami na kong utang sa blog ko. =)
Naisip ko kung isasama ang kabataan days ko, ay doble ng smokey mountain na siguro ang nagawa kong basura este artic, ang problema nga lang ay di ako masipag magsulat. Madalas kasi kahit naglalakad ako ay parang makinilya ang utak ko na nagtatype ng mga opinyon, kwento, kalokohan o kabalbalan. Favorite hobby ko ata ang magtype sa utak lalo na pag nasa byahe at di ako makatulog. At kung balak ko na siyang isulat ay nai-file na ata ng utak ko sa recycle bin.
Pangarap ko talaga ang magsulat, narealize ko yun nung minsan mapuri ang ginawa kong sanaysay nung elementary pako. Sa kasamaang palad wala talaga akong talento sa pagsulat dahil sa tingin ko walang kakayahan ang sinulat ko na makapag-aliw, magbigay impormasyon o kaya magbigay inspirasyon o kahit ano pa. Kaya biktima ang blog ko sa mga residue ng utak ko.
Hindi naman masama ang loob ko na di ko matupad ang pangarap ko dahil kahit papaano “napupublish” ang gawa ko. Pero di naman talaga tungkol dyan ang gusto kong sabhin trip ko lang yan. Naisip ko kasi para matapos ung isa ko pong artic bago maubos ang pasensya ng editor namin eh makakabuti siguro na mag “practice”.
Tagalog ngaun ang gawa ko, na-inspire kasi ako ni Roco. Kahapon ko lang kasi nalaman na inaadvocate niya ang paggamit ng sariling wika o dialekto bilang medium sa pagtuturo o bilingual para walang ayaw. Dati kasi may nabasa ako na kung saan ipinapahayag ng may-akda ang kakulangan sa pagpapa-unlad ng sariling wika. Wala naman daw masama sa ingles ngunit makakabuti kung mapapa-unlad natin ang ating wika upang lalo nating maipag-malaki ang ating mga sarili bilang mga Pilipino.
Sa tagalog ko isinulat ang sanaysay na kung saan napuri ako ng aking guro. Meron dun pumiri sa sanaysay ko na gawa sa inggles pero iba ang pakiramdam dun sa isa na gawa ko sa tagalog. Binasa ko yun ulet, natuwa ako na nakagawa ng ganun. Naisip ko nga dapat ay ipina-frame ko pa yun.
Sumasang-ayon ako sa adhikain ni Roco, walang masama sa pag-aaral ng ingles pero nararapat lamang na paunlarin ang wikang Filipino. Maraming kabataan ngayon na ang natutunan ay taglish, na hindi na mahalga ang pagkakaiba ng mga wika o salita.
Kung sa bagay ano nga ba ang halaga ng wikang Filipino kung sa pangaraw-araw mo lang ito gagamitin di katulad ng ingles na kailangan mo lagi sa resume, essay, article at profile mo sa friendster. Ingles din ang madalas gamitin kung gusto mo makipag-chat at makipag-away sa internet. Di mo pwedeng murahin ang ka-chat mo na gamit ang P****G I** kailangan ay F**K Y** o kahit ano basta ingles dahil dun malalamn niya na talgang galit ka. Di mo rin makakausap ang mga 7 years old and below ngaun kung di ka mag-iingles pero syempre di lahat ganun pero yun ata ang uso ngaun kahit ata ang mga kindergarten ngaun eh medyo taglish na rin na parang si……...
Malaki rin ang impluwensiya ng text madalas kasi para makpag-pasikat eh ingles ang ginagamit sa pagpapalitan ng mensahe tutal di naman malalaman ng katext mo kung kapit-bahay niyo ang nag-construct nung message na ipinadala mo o pinaghirapan mong hanapin sa diksyunaryo eto. Ang hindi ko lang masakayan ay ang paggamit ng “wer u” o “kaya dito na me”. Mapapatawad ko pa yung wer u pero ung paggamit ng “me”, ewan!
(To continue type gustokopa(space)katamarangsulat and send to 88888)